Life

Girl, Boy, Bakla, Tomboy.. Ano Ba Talaga Koya?

July 19, 2007

Waiting is painful. Forgetting is painful.
But not knowing which to do is the worse kind of suffering.
~ Paulo Coelho

Minsan ba napagkamalan ka na o napag-isipan na bakla? O Tomboy? O worse, both and simultaneously?

Madalas akong mapagkamalang totomboy tomboy nung bata pa ako, pano naman kasi mga kababata ko puro lalaki, sa pamilya ko, ako lang babae (maliban sa aking ina), at napapansin nilang magaspang daw ako kumilos, feeling siga kasi nga mga siga rin kasama ko.

Nung high school, di ako marunong ‘manamit babae’ at magpaka kikay. Habang ang ilang mga kaklase ko, ang liliit ng blouse, at mga palda, matching padamihan ng ruffles and laces at kung ano ano pang borloloy, ako namang kuntento na sa tshirt, maong at rubber shoes. Hindi ko talaga nakita ang sarili ko na isang babaeng kaakit akit nung high school (insecure-ness ang drama ko).

Pero woiiiii may crush crushan ako noh. Si Christian (ayan nyemas inamin ko na ha). Grade 5 pa lang ako crush ko na sya dahil ang galing nya kumanta. Bagama’t magaspang umasta, may pusong babae rin pala. Ilang beses na akong napahamak dahil sa crush-crush na yan. Madami akong naging crush (ung kamag-anak ng kapitbahay namin, yung kaklase ko na may gusto sa kabarkada ko, saka ung INC na kapitbahay namin na ewan ko ba topak ko bat ko nagustuhan yun) pero yung si Christian, siya ang ‘pers lab ku’ (ahuy kinilig ang mga bakokang dyan). May nangyari ba sa crush crushan ko? Wala! Di naman ako nag-boyfriend nung high school noh, behave ata to. At wala narin ako care kay Christian, malay ko ba kung buhay pa yan. Bwahahaha

Maski nung unang tungtong sa college, napagkamalan na naman ata akong tibo ng mga blocmates ko. Na-alala ko pa nung isang beses sa kain trippings ng bloc may hinirit si jec nung nagkatanungan kung may mga bf/gf na ang mga tao sa bloc namin (eh nung mga panahong ring yun wala akong bf at feeling ko wala pa akong muwang sa pag-boboyfriend) tama bang sabihin “nagboboyfriend ka ba? kala ko tibo ka.” Punyeta! Oh hindi! Not again! Nakakaloka ito, ayan redundant tuloy! Pigilan nyo ko masasapak ko to, pigilan nyo ko!

Pero unti unti nung college ako, natuto akong manamit babae, natuto mag-ayos ng konti. Marunong na ako gumamit ng powder at lip gloss at di kalaunan, ang lip gloss ay napalitan ng lipstick + lip butter; ang powder napalitan ng concealer, foundation, compact power, blush on, at minsanang skin bronzer. Oh diba? Kikay ka joiz!

At habang nasa puder ako ng pang nth (7th ata yun?) na mga housemates ko, dun ako nasimulang natatawag na bakla. Parang instant shift ito! Isang iglap ay the baby is now a bakla, hindi lady e, bakla. Shet.

Walang halong pangungutya sa mga bakla ha! Baka ma-offend kayo, wag naman po. Enjoy kasama ang mga bakla, pwera lang si vivi na medyo lahat ata ng naging boyfriend ko nung college, tinikman at gusto tikman! ewwww! erase erase erase, ayoko imaginin ay joz ko erase!

Fast forward tayo sa present… Madalas parin ako mahiritan na bakla ngayon (ung tipo na pag humirit ako ng may halong kerengkeng, bakla na agad ako) at kung magsalita raw ako at kung umasta minsan ay parang bakla. Pero tingin ko di naman ako bakla, sadyang may pagka-boisterous lang ako (on a case to case basis lang naman, saka paano ako magiging si joi kung di ako joyful? bwahaha ang kulit) at baket, kailangan ba maging mahinhin para ma-classify na babae? Hallers… Saka paano naman di matututo sa gay lingo noh, ang sarap magbasa ng mga out na gay blogs. Mawiwindang ka muna sa umpisa pero masaya talaga pag medyo nalulungkot ka na. Ayun absorb con todo tuloy ang mga expressions nila. Minsan lang nga, parang di bagay sa akin or sa situation kaya nilulugar ko naman! Pihikan parin kung kanino ko ilalabas ang pagka-‘bakla’ ko.

Pero hindi parin nawawala ung tinatawag akong tibo. Madalas yan ngayon pag may nahihirit akong “ang ganda nung chic pare” sa kabarkada ko habang nasa mall kami, ako pa raw talaga ang unang nakakita. O kaya may ipapakita akong friendster profile ng isang provocative na babae sa kausap kong katropa sa ym (tapos hihiritan ko pa ng “crush ko sya! weeeee” hala mawiwindang na ang kausap ko sa ym! “joooizzzz makikipag-agawan ka pa sa amin ah, wag ganun sis!”). O kaya nakikipagflirt daw ako sa mga babae sa webmasters forum (o ang maniwala shunganga, basta friends lang kami nung mga babaeng yun kaya ganun kami, magselos pa si J nyan e). O kaya naman habang nanonood ng kama sutra o kung anong x-rated video (oo nanonood din ako non minsan) may mabblurt out ko na lang “beb, ang ganda nung boobs nung girl oh, at ang kinis ng legs!”, naku asahan nyo na tataas ang kilay ng Jumong at itatanong, “hala teka naging tibo na ata gf ko?” Ma-insecure raw ba sa babae? Isasagot ko naman, “sapak gusto mo? haha kung tibo ako beb, e ano ka bakla para patulan kita? Kagatin kita dyan e” at kung pwede matching kiss pa sana yan para cute. Uyyy kileg… Kiligin raw ba? Bakla ka talaga joiz.

Haaaay … Si joiz, bakla ba o tomboy?

Nang minsan akong nangapitbahay sa kabilang village, kasama ko si kim at si maki sa bahay nila, nasabi ko out of nowhere, bat ang lahat na lang ng taong kilala ko, matamis ang lovelife, ako hindi.

Minsan talaga mahirap ang long distance relationship pag nawawala-wala ang communication nyo. At kahit may tiwala ka sa taong mahal mo, minsan di mo rin talaga maiwasan ang magworry at mainsecure kung ikaw pa rin ba at ikaw lang talaga ang mahal ng taong mahal mo.

Ganun na lang ang hirit sa akin ni Maki. Aba teka paano mo naman nabasa ang nasa utak ko? Ganun na ba ako ka-transparent? Waaah so scary ah.

Itong week na ito, hindi na naman kami nag-uusap. Pinasahan mo na ng load para man lang makapag unlimited kwentuhan kayo for the whole day, nung unang oras lang sya nagtetext tapos di na nagrereply nung buong gabi (o sige na, napagod na sa work). Tapos kagabi dapat tutungo ako ng swimming, tumatawag ako para magpaalam at para ayain syang sumama, di sinasagot ang telepono tapos cannot be reached na nung bandang huli. Letcheng telepono yan, itapon na yan! Sunugin!

Minsan di mo maiwasan mag-isip na ginagago ka na naman nito tulad ng ibang naunang gumago sayo. Mapapaisip ka ng masama para matabunan ung kirot ng galit. Tapos hihikbi sa tabi dahil ung galit naging mas ma-anghang na sakit. Kasi naman kung ano ano pa ang inisip. Tila bagang nasugatan ka na, ang hilig mo pa kalikutin ung sugat kahit na dugo dugo na at masakit na, na parang di ka pa nakuntento sa naunang sakit ng pagkakasugat. Hala sige kalikot pa para lang malaman mong di ka pa manhid. Para alam mo lang na nasasaktan ka pa rin pala. Imbyerna.

Tulad na lang ng pagkalito ng ibang tao sa totoong sexual orientation ko, ako’y naguguluhan kung saan ilulugar ang sarili ko sa buhay mo. Tulad ng pagkaasar ng mga tao pag nauunahan ko silang magpapansin sa crush nilang babae, nababanas ako na hindi mo ko ata ako namimiss, ni hi ni ho wala akong natatanggap sayo, hindi ko alam kung nakalimot ka lang at namanhid o sawa ka ng talagang kausap ako. Tulad ng pagkabalisa ng mga katropa ko pag nagbabakla baklaan ako, hindi ako mapakali malamang kung kamusta ka na, kung nasa maayos ka at kahit bad trip ako e gusto parin kita makausap para malamang ok ka lang kahit di ka apektadong namimiss na kita. Kaya sana lang bumuka ang langit at ipaalala sayong may mapagmahal na gf kang nag-iintay at naiimbyerna ng sampalin ka dahil sa pagkamanhid mo. matching kiss uli para cute. potah ang landi! kurutin sa singet uhmp!

Sa totoo lang, nalilito na rin ako, ano ba talaga kuya? May iniintay ba ako o wala? Butiki o baboy na lang kaya?

You Might Also Like

13 Comments

  • Reply kennots July 19, 2007 at 9:56 am

    Hahahahaha mama joiz, grabe naman ang pagkabakla ng post mo! tibong tibo! 😆 Nakakatuwang nakakalungkot. Andrama mo pero nakakatawa parin! Namiss ko ung mga post mong ganito. Walang preno-preno tulad nung post mo tungkol kay denver, andito pa ba yun? sino naman si vivi? pumapatol pala mga ex mo sa bakla? di ko nagets yun. pero kung ako tatanungin mo, ikaw ay isang tibong bakla. Obvious naman kung ano ang sexual preference mo. ganda ng combo nyo, ang gwapo ng papuch, pwede pakagat rin? 😮 :-& astigin na ang mga smileys mo ah

  • Reply Allen July 19, 2007 at 12:51 pm

    Ang galing nga pagkasulat. Nakakatuwa talaga pakingan ang gay lingo. ung mga ginagamit nilang salita, expression at iba pa.. Unique talaga sa mga bakla un, sila lang at mga babae nagkakaintindihan minsan. hehe

  • Reply `ch13f July 19, 2007 at 6:31 pm

    hahaha ..
    based sa past mo, hahaha .. natatawa talaga ako!
    pero if babasihan yung present .. aba, mamatay na ang tatawag sayong bakla nor tomboy .. woot woot! ang ganda’t seksi mo kaya! wetwiw! hehe

  • Reply detoxified_alipunga July 19, 2007 at 7:17 pm

    ang kuliiiittttt
    parang ako ung tinutukoy mong kausap sa ym a. totoo naman, may balak ka pa ata mang-agaw ng mga ladies, hwag ganun.
    eto ang pamatay e “Kaya sana lang bumuka ang langit at ipaalala sayong may mapagmahal na gf kang nag-iintay at naiimbyerna ng sampalin ka dahil sa pagkamanhid mo. matching kiss uli para cute.”
    mapagmahal na gf pero gustong sampali,n galing!
    di na kita papayuan tungkol sa jumong mo, mahal mo naman yan. sana lang mahal ka rin nya. kurutin mo sa singet kung hindi parin pinapansin ang kahalayan mo sis 😆 tanggalin mo nga yang picture ng legs mo dyan nakakadistract! 🙄

  • Reply mikmak July 19, 2007 at 8:19 pm

    eeeeekkkk ang haba ng post mo veklah, kaninang lunch ko pa sinimulang basahin ngayon ko lang natapos! pero infayrness ang harot mo sis! nakakatuwa!

    “Mapapaisip ka ng masama para matabunan ung kirot ng galit. Tapos hihikbi sa tabi dahil ung galit naging mas ma-anghang na sakit.”

    weh totoo ba yan. hihikbi? grabe sa pagddrama! emotera ever ka aH! nalungkot naman ako dun sa part na yun. hayaan mo sis, magpaparamdam din yan, gusto lang nyan mamiss mo sya. baka naman nagovertime kaya di masagot call s mo and nabattery empty. ikaw naman naiimbyerna agad. kasalanan mo kasi nauubos battery nya behlat

    relax lang masira ang beauty mo! kung ayaw paramdam ng fafah edi magparamdam ka sa iba. tingnan lang natin kung di magpanik ang fafah mo.

    ahihi bout tomboy and gay, for me babaeng babae ka sis, babaeng tibo at bakla.

  • Reply joiz July 20, 2007 at 3:43 am

    ok isa isa… ang hahaba rin nyong magreply e… hihi

    kennots: buhay pa ung post patungkol kay denver, paki silip na lang sa angst section. wag mo na kilalanin si vivi kilabutan ka naman. at pwede ba! off limits ang bebe ko! hmf

    Allen: salamat oo natutuwa ako sa kanilang pagsasalita. very expressive kasi

    `ch13f: tama ba yun? bolero ka ngang talaga 😆

    detoxified_alipunga & mikmak: ewan ko sa inyo ang gulo nyo hehe joke

  • Reply nelo July 20, 2007 at 9:20 am

    hi joiz ang kulit mo naman pala..hehe! tibong bakla na mapagmahal na gelpren..naks! wala ka dapat baguhin sa sarili mo..yaan mo sila…mukhang amsaya ka naman kasama eh!

    ibig ba sabihin yung mga ex mo ay bakla? or bisexual…nyuk! sama naman nun..imbis mambabae namakla..haha!

  • Reply fionixe July 20, 2007 at 11:17 pm

    ^_^ hi joiz! apir tayo sa pagiging bakla / tomboy / langit / lupa na yan 😆 haha, parang nabasa ko dito yung gusto kong isulat. hehe.

    pero in fairness ateh, girlalu ka pa din at heart

  • Reply Firelady July 20, 2007 at 11:48 pm

    Hi mama joiz
    isa ka tlgang baklang tomboy ^_^
    and don sa lovelife i enjoy mo na lang ang lifeness
    isa kang Asian treasure (taga asia ka dba) na kng d ka aalagaan ng bf mo sya ang mawawalan ng malaki.
    ingat lagi ^_^

  • Reply Jake The Miserable July 21, 2007 at 2:49 am

    Wiz akech kerutch shang rantinage mo ineng. Witchibelles na aketch gurlaloo ngayones. Persi wasa na atashi chikababes. Yumyum de gwapo!~

    Straight guy talaga ang orientation ko (defensive?), pero sobrang galing ko daw umastang bading. Nakaka-convince talaga. Ahahaha.

    Naging “secret weapon” ko na rin ang pagiging bading kuno ko nu’ng minsan para makuha ang puso ng iniibig ko. Oh davah ang tarush?

    Jake: Alam mo, I am in love with you.
    Girl: And how can you say that?
    Jake: Mas maganda ka pa sa’kin. Antaray.

    Dehins ka nag-iisa. Hindi ko alam dati kung natatawa o kinikilibatutan na ‘yun mga tropa ko dati. Ahahah.

    Hinangad ko na maging banayad ang lovelife niyo ni Prinsipe Jumong. Rakenrol.

  • Reply karmi July 21, 2007 at 11:41 am

    hahaha.. ok, react muna ako dun sa bakla o tomboy issue.. 😛

    pareho tau eh.. mula elementry hanggang highschool eh akala din ng friendships ko, obit ako.. pero may crushness na din ako mula nung kinder ako.. 😛 college na ata ako naging ‘babae’ mejo, pero di pa rin ung kikay talaga.. hehehe.. siguro di ko lang talaga kayang magpakababae talaga..

    about naman dun sa long distance relationship na yan…

    ka relate ako ulit…

    kasalukuyan akong nasa isang LDR.. mahirap talaga.. lalo na kapag nawala na ung trust.. anong dapat mong gawin? hmmm… di ko rin alam.. hehehe.. sundin mo lang ung puso mo.. kung anong feel mong gawin…

    ^_^

  • Reply SELaplana July 24, 2007 at 9:41 pm

    e ako nga dahil sa kahinhinan ko kung kumilos napagkamalan akong bading. minsan tinutuya ako na bading daw ako… sagot ko naman isang ngiti lang… hindi nila alam na malaki advantage kung mapagkamalan kang bading dahil malaki ang kumpyansa ng mga girls sa iyo hehehehe….

    kaya ang results…. ewan ko kung ilan nang bibingka ang natuhog ng junior ko heheheh okay lang enjoy naman sila e

  • Reply joiz July 24, 2007 at 10:01 pm

    nelo: salamat ha hehe. patungkol sa tanong mo, naku di ko akalaing papatol sa bakla ung ex kong un pero nalaman ko na lang nung sinabi nung victor aka vivi na ganun nga natikman na raw nya. nakakaloka ewww talaga ERASEEEEE!!! 😮 😆

    fionixe, fire_lady, karmi: haaay hindi ko na talaga ata matatanggal ang branding ng pagiging bakla/tomboy hehe tanggapin na lang siguro

    jake, SELaplana: style nyo ah, tsk tsk mapanlinlang! wahehe joke! Jake, eto na naman tayo e, bat ba nahihirapan ako minsan intindihin yan! 😆 SELaplana, bibingka talaga ang tawag e noh! hehehehe naaliw ako dun ah.

  • Leave a Reply